Sandali lang. Oo, sandali lang ang episode na ‘to. Galing ito sa recording noong 2023, kasama ang emcee, at ang founder ng Fliptop Battle League, si Anygma.
Sa sandaling ito, nagbahagi si Alaric Yuson ng kanyang karanasan at ilang reflection tungkol sa fame at recognition ng FlipTop. Ano nga ba ang epekto ng kasikatan sa isang artist na katulad ni Anygma? Ano ang pinagkaiba ng pagiging kilala, sa tunay na pagkilala sa isang sining o obra?
Ngayong ika-15 taon ng most-viewed battle rap league sa buong daigdig, balikan at pakinggan ang malaman na usapan tungkol sa bigat ng responsibilidad, misconceptions ng publiko, at ang mga natatanging karanasan ni Anygma sa pagpapatakbo ng liga.
Nasa episodes 270-271 ang buong interview sa mga gustong panoorin nang buo. Follow and subscribe sa Spotify at YouTube.
Podden och tillhörande omslagsbild på den här sidan tillhör
Ali Sangalang and Linya-Linya. Innehållet i podden är skapat av Ali Sangalang and Linya-Linya och inte av,
eller tillsammans med, Poddtoppen.