Isang karangalang makasama natin sa The Linya-Linya Show— ang former auditor ng Food and Agriculture Organization, World Health Organization, at International Labour Organization; former Under-Secretary-General ng United Nations Office of Internal Oversight Services; at former Commissioner ng Commission on Audit (COA)— Heidi Mendoza!


Bukod sa mahabang listahan ng kaniyang karanasan, mas makikilala pa natin si Tita Heidz, sa kaniyang mga kwento at personal na karanasan—mula sa kaniyang pagkabata, pagpasok sa gobyerno, mga karanasan sa paglaban sa korapsiyon, ang kaniyang non-traditional campaign strategy, at mga plano kung palarin siyang manalo sa 2025 Philippine Senate election—lahat ng ito ay ibinahagi niya sa episode na ‘to!


Sama-sama tayong matuto at palawakin ang pananaw, dahil sa episode na ‘to, may mga mahalagang payo si Tita Heidz upang mas maunawaan natin ang proseso at sistema ng pamahalaan at magkaroon ng informed decision sa nalalapit na halalan.


Makinig at matuto sa pagseserbisyo nang may puso mula sa Imbestigadora ng Bayan, Heidi Mendoza!



Podden och tillhörande omslagsbild på den här sidan tillhör Ali Sangalang and Linya-Linya. Innehållet i podden är skapat av Ali Sangalang and Linya-Linya och inte av, eller tillsammans med, Poddtoppen.