Muling nagbabalik, at unang beses sa Bara-Bara series ng The Linya-Linya Show at ng FlipTop Battle League-- ang battle emcee at Presidente ng liga, si ANYGMA!
Isa't kalahating dekada. Tatlong Pangulo na ng Pilipinas ang dinaanan. Nananatiling matatag ang FlipTop, hindi lang bilang isang ligang nagbibigay ng entablado para sa batte emcees, kundi isang pwersang nagpapayabong ng kultura ng hip hop sa Pilipinas.
Sa episode na ito, kinumusta natin ang lagay ni Anygma at ng liga, mula sa katatapos lang na makasaysayang AHON 15 Days 1 and 2, na ginanap noong Disyembre ng 2025. Kay Anygma na mismo nanggaling: Ito na marahil ang pinakamakasaysayang rap battle event, sa tindi ng bawat laban, at sa pinakitang husay ng battle emcees sa harap ng libo-libong tagasubaybay. Sa abot ng makakaya sa limitadong oras, dinaanan namin ang ilan sa mga tumatak na laban para kay Anygma, at ilan sa kanyang insights at takeaways sa mga ito.
Mahirap ding baybayin ang buong labinlimang taon ng FlipTop, pero napag-usapan din namin ang ilang milestones na nakamit ng liga.
Una pa lang ito sa 2-part special ng one-on-one natin kasama ang utak sa likod ng FlipTop na si Anygma. Pakinggan, panoorin, magbahagi ng matitinong thoughts and comments, at abangan ang pangalawa!
Podden och tillhörande omslagsbild på den här sidan tillhör
Ali Sangalang and Linya-Linya. Innehållet i podden är skapat av Ali Sangalang and Linya-Linya och inte av,
eller tillsammans med, Poddtoppen.