Ano ba talaga ang lagay ng edukasyon sa Pilipinas—at saan tayo magsisimulang mag-ayos?Kasama natin sa episode si Karol Mark Yee, Executive Director ng EDCOM II, para pag-usapan ang Philippine education system: bakit mahalaga ang foundational learning, ano ang sinasabi ng data, ano ang progress na nakikita natin, at paano natin masisigurong ang mga report at roadmap ay mauuwi sa totoong pagbabago.Napag-usapan din namin kung paano siya nananatiling hopeful sa kabila ng bigat ng trabaho, at kung ano ang puwedeng gawin ng ordinaryong Pilipino para makatulong.At siyempre, pinagkuwentuhan namin ang BOOKsan ang Kinabukasan—project ng Linya-Linya, EDCOM II, Caritas Philippines, at Alay Kapwa na naglalayong maghatid ng books at reading spaces sa mga batang nasa underserved communities.Dahil minsan, isang libro lang ang pagitan ng isang bata at ng mas malawak na mundo.Kung gusto ninyong tumulong, puwedeng mag-donate, magbasa pa tungkol sa campaign, at bumili ng Linya-Linya × BOOKsan ang Kinabukasan collab shirt para makatulong sa fundraising:Website: https://edcom2.gov.ph/booksan/Facebook: https://www.facebook.com/share/1coZR7zoDM/?mibextid=wwXIfrCollab shirt: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxedcom2xcaritasphxalaykapwa?_pos=1&_sid=3bc779a24&_ss=rListen up, yo!
Podden och tillhörande omslagsbild på den här sidan tillhör
Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment. Innehållet i podden är skapat av Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment och inte av,
eller tillsammans med, Poddtoppen.